Sa bawa't nagdaang araw hinahanap-hanap
Iyong mga lambing dama lang sa 'yong piling
Sa tamis ng pagsinta'y nangungulila
Uhaw sa 'yong halik sa t'wina'y nananabik
Nanlalamig na puso'y ating pagbigyan
Sa gabing ito ako'y iyo lamang
Ibubulong habang kayakap ka
Ibibigay ngayong kapiling ka
Ang nadarama na init ng pagmamahal
Habang ating pinapatila ang ulan
T'wing ako'y umiidlip nananaginip
'Yong labing kay tamis yakap mong kay higpit
At sa pagbuhos ng ulan tayo'y sumilong
Pawiin ang lamig pag-ibig ay damhin
Nanlalamig na puso'y ating pagbigyan
Sa gabing ito ako'y iyo lamang
Ibubulong habang kayakap ka
Ibibigay ngayong kapiling ka
Ang nadarama na init ng pagmamahal
Habang ating pinapatila ang ulan
Nanlalamig na puso'y ating pagbigyan
Sa gabing ito ako'y iyo lamang
Ibubulong habang kayakap ka
Ibibigay ngayong kapiling ka
Ang nadarama na init ng pagmamahal
Habang ating pinapatila ang ulan