Isisigaw ang iyong ngalan 'gang sa kawalan
Boses mo ang aking musikang hinahanap
Kahit dekada ang abutin ay ilalaan
Aking pag-ibig at sana ay iyong mahagilap
Nagsusumidhing pusong nagbabaga
Maputol man aking hininga'y ipaglalaban
Ating pagsasama 'gang ako'y mawala
Ikaw at ako hanggang sa walang hangganan
Kahit saan man dalhin itong pagmamahalan
(Wala sila sa'ting magagawa)
Ikutin man pabalik rotasyon ng kalawakan
(Hindi na ako mangangamba)
Ikaw ang gusto kong mahalin
Kahit marami sila sa'yo naka tingin
Ibibigay sa'yo hindi 'to palihim
Pag mamahal alam mo kaya kong gawin
Tumigil ang lahat nung ika'y aking nasilayan
Handa kong gawin mabigay sa'yo kalawakan
Kahit maputol aking paghinga ikaw pa rin iingatan
Musika lagi daan pag ibig sa'yo lamang
Kahit saan man dalhin itong pagmamahalan
(Wala sila sa'ting magagawa)
Ikutin man pabalik rotasyon ng kalawakan
(Hindi na ako mangangamba)
Bumalik man sa ikot ang oras ay ikaw pa din aking mahal
Sa'yo pa din ako kahit dumating sa puntong napapagal