Di na maiwasang dumungaw sa bintana
Halos matunaw ang buwan sa katititig ko
Ang sarap sigurong mangarap pag nasa tabi ka
At sa pagsapit ng dilim lalo pang sumasaya
Sa tuwing malamig ang hangin na yayakap sa akin
Dinuduyan ako habang iniisip kita
Patay-sindi na lang tuwing gumagabi
Unti-unting parang napupundi
At kung saan saan saan ako dinadala
Ng isip kong nababaliw na sa iyo
Paulit-ulit na binubulong pa ang pangalan mo
Naaliw sa kaiisip sa 'yo
Sa kaiisip sa 'yo
At sa pagpikit ng aking mga mata
Ay gigising na naman sa panibagong istorya
Dinadalaw ako hanggang sa panaginip ko
Patay-sindi na lang tuwing gumagabi
Unti-unting parang napupundi
At sa pagpikit ng aking mga mata
Ay gigising na naman sa panibagong istorya
Dinadalaw ako hanggang sa panaginip ko
Patay-sindi na lang tuwing gumagabi
Unti-unting parang napupundi
At kung saan saan saan ako dinadala
Ng isip kong nababaliw na sa iyo
Paulit-ulit na binubulong pa ang pangalan mo
Naaliw sa kaiisip
At kung saan saan saan ako dinadala
Ng isip kong nababaliw na sa iyo
Paulit-ulit na binubulong pa ang pangalan mo
Naaliw sa kaiisip sa 'yo
Sa kaiisip sa 'yo
Sa kaiisip sa 'yo
Sa kaiisip sa 'yo
Sa kaiisip sa 'yo