Ang sabi nila
Walang ibang magagawa kung ang puso'y
Lubhang nasaktan
Ang sabi nila
Nananatiling paraan ng matutong
Muling magsimula
Hindi pa rin nakikinig
Nakailang ulit nang pinayuhan
Hindi man lang sinusubukang
Umibig nang muli
Ang pagmamadali ay simulan
Ngunit ang sandali ayaw pa ring iwan
Ang sabi nila
Bawat puso't kaluluwa
Ay may kaparehang itinakda
Ang sabi pa nila
Ay darating kung pagbibigyan ang pag-ibig
Na hindi mawawala
Hindi pa rin nakikinig
Nakailang ulit nang pinayuhan
Hindi man lang sinusubukang
Umibig nang muli
Ang pagmamadali ay simulan
Ngunit ang sandali ayaw pa ring iwan
Hindi pa rin nakikinig
Nakailang ulit nang pinayuhan
Hindi man lang sinusubukang
Umibig nang muli
Nakaraang sawi ay pakawalan
Ngunit ang sandali ayaw pa ring iwan