Nakita kang nag-iisa
Tinanong kung bakit kaya
Pinakinggan ka hanggang gabi
Nanatili sa iyong tabi
Araw-araw di mawala sa isip
Gabi- gabing di makatulog
Ang iyong mga mata'y sing liwanag ng bituin
Nagniningning sa dilim na sasapit
Isang ngiti mo lang (Isang ngiti mo lang)
Ako ngayo'y nahulog sayo (Nahulog na sayo)
Di maintindihan bugso ng damdamin
Gustong isigaw pangalan mo (Isisigaw nalang)
Pangalan mo sa hangin (Isisigaw na lang sa hangin pangalan mo)
Sa hangin
Kay gandang pagmasdan mga tala
Sayong mukha
Ang tanging hiling lamang ay ikay
Maging masaya
Tila isang panaginip
Ikaw ang laging sa isip
Tanging hiling sa langit
Ang ngiti sayong mga labi
Araw araw di mawala sa isip
Gabi gabing di makatulog
Ang iyong mga mata'y sing liwanag ng bituin
Nagniningning sa dilim na sasapit
Isang ngiti mo lang (Isang ngiti mo lang)
Ako ngayo'y nahulog sayo (Nahulog na sayo)
Di maintindihan bugso ng damdamin
Gustong isigaw pangalan mo (Isisigaw nalang)
Pangalan mo sa hangin (Isisigaw na lang sa hangin pangalan mo)
Sa hangin
Isisigaw ang damdamin
Ibubulong sa hangin
Pipiliting nalang isipin
Na ikaw ay di para sakin