Kanina pa naghihintay
Wala namang sumasabay
Kanina pa nagaabang
Lalo lang tumatabang
Kailan ko mararating
Ang takip silim
Sa nobela ng buhay natin
Kailan ako mapapansin?
Pitong libong panaginip
Isang gabing paulit-ulit
Maghapong nakatitig
Sa hanging hindi alam
Kung saan dadalhin
Nawawala sa paningin
Kailan ako mapapansin?