Ayaw ng nanay mo sa'kin
Wala raw mapapala
Sa aking pag gigitara
At pag-gawa ng kanta
Hindi niya maunawaan
Ang aking mga tula
Wala raw patutunguhan
Ang aking pag-pipinta
Pano ba ma e-explain
Ang mga plano natin
Sana lang naiintindihan
Na iba ang ating trip
Huwag na sanang mainis
Sa sarili nating paraan
Abutin, abutin
Meron mang pumipigil sa'tin
Akyatin, akyatin
Lahat yan ating mararating
Nagalit ang iyong tatay
Nung ako ay narinig
Hindi ka raw mabubuhay
Ng puro lang pag-ibig
Malabo man ang larawan
Ng aking mga pitik
Nagamit ko ang diploma
Kay gandang palamuti
Pano ba ma e-explain
Ang mga plano natin
Sana lang naiintindihan
Na iba ang ating trip
Huwag na sanang mainis
Sa sarili nating paraan
Abutin, abutin
Meron mang pumipigil sa'tin
Akyatin, akyatin
Lahat yan ating mararating
Tumigil man ating mundo
Tuloy ang ating pag takbo
Abutin, abutin
Meron mang pumipigil sa'tin
Akyatin, akyatin
Lahat yan ating mararating