Sino ang may sabing madaling lang umibig?
At sino ang may sabing madali lang masaktan?
Bakit ganito, ano ang problema?
Bakit ganito, wala kang kasama?
Sino ang may sabing madali lang lumimot?
At sino ang may sabi na pag-ibig ang gamot?
Bakit ganito, lahat sila'y maligaya?
Bakit ganito, ikaw lang mag-isa?
Kaya itigil mo na ang iyong pag luha
Halika na, tama na tumahan ka na
Aalisin ang pighati't papalitan yan ng ngiti
Hindi ka pa huli, wag kang masyadong magmadali
Sino ang may sabing, mahirap umahon?
At sino ang may sabing, mahirap lumingon?
Bakit ganito, wala na bang pag-asa?
Bakit ganito, sawa nang mag-isa?
Kaya itigil mo na ang iyong pag luha
Halika na, tama na tumahan ka na
Aalisin ang pighati't papalitan yan ng ngiti
Hindi ka pa huli, wag kang masyadong magmadali
At kung malalim man ang sugat na iniwan
Lagi mong tatandaan hindi kita iiwan
Iwanan ka man nyan hindi pa yan ang katapusan
Nandito lang ako para damayan ka