Gabi-gabi nalang akong 'di mapakali
Pinapangarap na muli kang makatabi
Napag-isip isipan na hindi pa huli
Ang lahat sa buhay natin
Kaya naman nagbabalik
Ako para sa'yo at nagsisisi na
Sa lahat ng kasalanang nagawa sa'yo
At pinapangakong di na iiwang muli
Hangang sa huling sandali
Naaalala mo pa ba noong iwan kita
Lakas loob sinabi na ayaw ko na
Ngayon pagsisisi ang nadarama
Sapagkat malayo ka
Kaya naman nagbabalik
Ako para sa'yo at nagsisisi na
Sa lahat ng kasalanang nagawa sa'yo
At pinapangakong di na iiwang muli
Hangang sa huling sandali
At nagbabalik
Ako para sa'yo at nagsisisi na
Sa lahat ng kasalanang nagawa sa'yo
At pinapangakong di na iiwang muli
Hangang sa huling sandali
At nagbabalik
Ako para sa'yo at nagsisisi na
Sa lahat ng kalokohang nagawa sa'yo
At pinapangakong di na iiwang muli
Hangang sa huling sandali