Wala nang iisipin
Kundi ang mapasaakin ka
At alam mo bang
Nalulungkot ako kapag
Sinasaktan ka niya't
Pinapabayaan lang
Walang dapat sisihin
Kung ngayon lang tayo
Pinagtagpo ng tadhana
Kung gusto mong sumama
Tawagin lang ako't
Wag nang mag alinlangan pa
Di ko kaya na makita kang
Nabubuhay sa dilim
At lumuluha sa piling niya
Di ka na mahihirapan pa
Lahat aking gagawin
Kasalanan ba'ng agawin ka
Wala nang hahanapin
Sabihin lang sa'kin
Kung gusto mong maging malaya
Hindi pababayaan, aking ipaglalaban
Pag-ibig nating dalawa
Di ko kaya na makita kang
Nabubuhay sa dilim
At lumuluha sa piling niya
Di ka na mahihirapan pa
Lahat aking gagawin
Kasalanan ba'ng agawin ka