Sawa ka na ba na maramdaman
Ang pagpatak nang luha na
Sabay sa buhos nang ulan
Dumidilim na, naghahanapan
Pikit mo ang mga mata
At iyong matatagpuan
Handa ka na ba na masimulan?
Patungo sa pangarap na
Hindi mo pa nakakamtan
Itigil mo na'ng pagaalangan
Sa silong nang dilim merong
Liwanag na nakalaan
Kung naiinip na sa buhay mo
Sumama ka na sa lakad ko
Lumilipad na tayo sa kawalan
Hawakan mo'ng aking kamay
At atin pang bibilisan
Malapit na ang katapusan
Ilang saglit nalang magbabalik na sa pinagmulan
Ngayong masaya nakita mo na
Napawi na'ng lahat ng lungkot
Na iyong nadarama
Kung gusto mo pa
Huwag mag-alala
Muli kitang isasama
Sa Highway Eskinita