NAG-IISA
Habang ang gabi'y unti-unting lumalalim
At ang araw naglalaho sa takipsilim
Habang ang lahat ng isip humihimlay
Aking isip ay iyong gagambalain
Doon kita matatagpuan
Naglaho bigla ang kalayaan
Ika'y nakakulong sa isipan
Ako'y mag-isa
Ngunit ika'y kasama
Nag-iisa
Nang may kasama kita
Habang tayo ay nag-iisa
Dahan-dahan kong nadadama
Haplos ng bawat salita
Tila ito'y isang anyaya
Upang damhin ka at yakapin ka
Doon kita matatagpuan
Naglaho bigla ang kalayaan
Ika'y nakakulong sa isipan
Ako'y mag-isa
Ngunit ika'y kasama
Nag-iisa
Nang may kasama kita
Habang tayo ay nag-iisa
Habang ang gabi'y unti-unting lumalalim
Habang ang gabi'y unti-unting lumalalim
Habang ang gabi'y unti-unting lumalalim
Habang ang gabi'y unti-unting lumalalim
Doon kita matatagpuan
Naglaho bigla ang kalayaan
Ika'y nakakulong sa isipan
Ako'y mag-isa
Ngunit ika'y kasama
Nag-iisa
Nang may kasama kita
Habang tayo ay nag-iisa
Nang may kasama
Nag-iisa
Nang may kasama kita
Habang tayo ay nag-iisa