Sa pagdilat ng mga mata
Ang puso ko'y handang-handa
Haharapin ang mga problema
Kailangan lang ay bumangon ka
Sa bawa't hagis na lumalagpas
Sa bawa't taling napipigtas
Di na ko muling aatras
Lalaban ako ng patas
Lahat ay kakayanin
Para ika'y mapasaakin
Pilit na inaabot
Lahat ng aking pinapangarap
Sa aking mga pagsisikap
Alam kong mayro'ng kaakibat
Di na ko malulumbay pa
Pangarap ko'y may pag-asa
Lahat ay kakayanin
Para ika'y mapasaakin
Pilit na inaabot
Lahat ng aking pinapangarap
Wag kang matakot
Sa mga pagsubok
Dahil nandito kami - para sa 'yo
Lahat ay kakayanin
Para ika'y mapasaakin
Pilit na inaabot
Lahat ng aking pinapangarap
Aaah...