Sa pagsapit ng gabi
Nagmamasid-masid
Hindi umiimik
Mga matang nakasilip
Binibilang unti-unti
Nakakalat na paslit
Sa gitna ng dilim
Ikaw daw ang suliranin
Papikit-pikit nagbibingi-bingihan
Sa isang kalabit
Kapalit ang 'yong budhi
O' pilit pilit pilit
At tuluyang pipilitin
Ikaw daw ang salarin
Sa eskinitang masikip
Dinukot ang ngipin
Sinubok pumuslit
Huwag ka nang pumigil
Baka ikaw ay lapain
Dali-daling dadalhin sa bilibid
Mata niya'y nagdidilim
Dinggin mo naman ang aming hiling
Papikit-pikit nagbibingi-bingihan
Sa isang kalabit
Kapalit ang 'yong budhi
O pilit pilit pilit
At tuluyang pipilitin
Ikaw daw ang salarin
Kaya magtago ka na
Wala ka nang halaga
Sa mga mata
Ng dambuhala