Alam mo ba mahal
Kanina pa ko dito naka titig sa'yo
Nais na lumapit
Ngunit na pag tanto
Mayron ng nag mamay-ari sa'yo
Dapat na muna na itago itong
Nadarama para sa'yo
Maghihintay ako
'Di ako susuko
Kahit na ito'y malabo mahal
Nais kung malaman mong
Nandito ako
Para sa'yo
Hihintayin kita
Kahit na alam kung malabo
Maangkin ang pag-ibig mo
Ay handa ko yang gawin
Hanggang iyong mapansin
'Di susuko
Hihintayin kita
Hihintayin kita kahit abutin ng taon
'Di sasayangin yung mga baryang tinapon sa balon
Umaasa parin magkaron ng pagkakataon
Na magkasama tayong dalawa sa iisang bubong
Hindi susuko mga luha 'di tutulo
Kung hindi ka dumating ako na mismo ang tutungo
Malabo din naman na yung kumpyansa ko gumuho
Ngitian mo lang kase yung pagasa napupuno mo
Asahan mo ako'y mag hihintay
Kahit mangawit pa ako dito sa kaka dantay
Alangin man lagay sa tapat ng baranggay
Kunwaring umiyak nalang kaya mata'y pungay
Pagtingin sa'yo hindi na manlalabo
Pag ibig ko na minarka hindi rin maglalaho
Handa parin maging tanga hindi na magbabago
Antayin nalang kita dun sa lugar nating pribado
Hihintayin kita
Kahit na alam kung malabo
Maangkin ang pag-ibig mo
Ay handa ko yang gawin
Hanggang iyong mapansin
'Di susuko
Hihintayin kita
Tandaan mo lagi na sa'yo palagi ay nakamasid
Nakaabang sa pagdaan mo sa gilid gilid
Nakatago pati na aking nadarama
'Di pa tamang oras at baka maaga pa
Para pagtapat ang tunay na nilalaman
Nakakatakot kung sakali mang pahindian
At pangit kung ka'y San Miguel pa ako hihiram
Ng tapang para maiboka na atik laham
Matagal na 'di ko lang masabi
'Di kasi alam kung pano aatake
Sa dami ng kaagaw kong nakikisali
Kabado't 'di ko na mkuhang makampante
Pero 'di na bali hinaharap kong bana
Baka sakaling makuha ka sa harana
'Di man ako ganun kahusay sa gitara
Titipa kahit daliri'y mamaga na
Hihintayin kita
Kahit na alam kung malabo
Maangkin ang pag-ibig mo
Ay handa ko yang gawin
Hanggang iyong mapansin
'Di susuko
Hihintayin kita
Hihintayin kita
Kahit na alam kung malabo
Maangkin ang pag-ibig mo
Ay handa ko yang gawin
Hanggang iyong mapansin
'Di susuko
Hihintayin kita