Sitwasyong malayo sa isa't isa tinanggap ko yan
Basta't nandyan ka lang alam mo yan kaya ko yan
Handa akong magtiis para sa'yo
Pagmamahal na hanap mo sa'yo ipapakita ko
Pangalan mo pinaguhit ko sa braso ko
Gusto kong malaman mo di ko pinagsisihan to
Basta't para sa'yo ang imposible kakayanin
Kahit mahirap yan kahit ako pa ay hikain
Ganun kita kamahal sana ramdam mo yon
Hinding hindi kita bibitawan saan tayo maparoon
At makakaasa ka problema di na ihahatid
Sa mundo ng kasiyahan doon kita itatawid
Ang sa akin lang sapat na ang pagmamahal mo
At di mo na kailangan danasin ang mga nagawa ko
Basta't masaya ka sa akin ay sapat na
Mamahalin kita habang buhay sa diyos ko yan sinumpa
Mahal Na Mahal Kita, Mahal na Mahal Kita (ganun talaga)
Sana'y wag mo ng itanong kung bakit pa?
Di ko Alam ang isasagot sa'yo
Mahal Na Mahal Kita, Mahal na Mahal Kita (ganun talaga)
Sana'y wag mo ng itanong kung bakit pa?
Pagka ulitin lang ang sasabihin ko MAHAL KITA
Mahal kita alam ko na ramdam mo yan
Malayo man ating agwat sa akin ay okay lang yan
Kaya ko yan basta sa akin magtiwala ka
Hinding hindi to magbabago sakin maniwala ka
At sa iba hindi ko toh naramdaman
Ang tunay na pagmamahal sa'yo ko natikman
At kahit na oras mo sakin ay hati
Basta para sayo nandito lang ako parati
Dahil kalahati ng puso ko ay na sa'yo
Kapag nawala ka hindi na toh mabubuo
Aking mata magmimistula tong bulag
Pag iniwan mo para akong naduduwag
Kaya huwag na sanang balakin pa
Ang bumitaw ka sakin baka di ko na kayanin pa
Basta ako mahal kita at tunay to
Kumpleto na ako naging bagai ka ng buhay ko
Mahal Na Mahal Kita, Mahal na Mahal Kita (ganun talaga)
Sana'y wag mo ng itanong kung bakit pa?
Di ko Alam ang isasagot sa'yo
Mahal Na Mahal Kita, Mahal na Mahal Kita (ganun talaga)
Sana'y wag mo ng itanong kung bakit pa?
Pagka ulitin lang ang sasabihin ko MAHAL KITA
Tuwing gabi nakatingin sa may kalangitan
Baka sakaling parehas ang ating tinitignan
Nagbabakasakaling makakita ng bulalakaw
At ma iwish ko na magkasama balang araw
Kahit anong pagsubok ay kaya kong daanan
Walang imposible basta't nagmamahalan
Basta para sa'yo lahat kaya kong gawin
Habang ako'y my buhay ikaw lang ang mamahalin
At syempre ikaw lang ang nagiisa
Sa puso ko't isipan wala ng ngang iba
Ewan ko ba bakit nahulog ng husto
Ikaw lang ang babaeng inibig ko ng ganto
Alam ko naman na ito'y iyong nadarama
Ooops teka muna wag ka magkaila
Simulat sapul pa lang eh mahal na nga kita
Pasensya na kung mahal na mahal kita
Mahal Na Mahal Kita, Mahal na Mahal Kita (ganun talaga)
Sana'y wag mo ng itanong kung bakit pa?
Di ko Alam ang isasagot sa'yo
Mahal Na Mahal Kita, Mahal na Mahal Kita (ganun talaga)
Sana'y wag mo ng itanong kung bakit pa?
Pagka ulitin lang ang sasabihin ko MAHAL KITA