[00:30.87]
PHB.
Yo...
Uh-huh..
Kailangan kong gawin, kailangan kong husayan
Kailangang gumaling at dapat 'tong kulayan
Mga blangko na pahina malabo na magiba
Pa nga ko pag nagpinta pangakong walang ibang
Katulad ang likhang nasulat, nanggulat
Gamit ang ulo at utak may punto na buhat
Sa rurok mas tulak nang tulak mabuo lang at upang
Matuto may sugat man sulong sa ulap
Makita lang ang inaasam na liwanag ay
Naging daan maling nagawa sa'king paglakbay
Sa 'di alam naging malala man ay binabaybay
Nang hinarap inaray lahat at 'di natangay
May saloobing nakapupuwing pa
Mas nagugunita yan pag gumuhit na
Sa'king mga blangko na pahina
Lalagyan ko yan ng aking magarbong mga tinta..
Napakarami alam ko yan
Ng mga papel ko na blangko lang
Yan ay pupunuin walang ititira
Lahat bubuuin at ipipinta
Kulang pa rin ang karanasan
Kaya lalakbayin lahat ng daan
Lahat gagawin, mas inibig na
Para wala na ring pagsisisi pa
Tuloy lang sa paglikha..
Wala din mangyayari kung hindi yan susubukan
Kung bubuksan palagi ang damdamin at isipang lumulutang
Susundan nang matutunan pa nang labis at lubusan
Sa lapis at papel madaming pambubungad
May galit, may poot, saya, pati karunungan
Mas uusad lang nang tuluyan
Pag nagamit na nang buo yang
Puso't ulo gumuguho man at malagim pa nang sukdulan
Umuurong, umuusog sa bawat tawid mas pag ukulan
Ang 'yong sarili at yung daanan
Dapat lakbayin lang kahit mabunggo man mag isa
Blankong pahina sayong talaan
Dapat lagyan rin yan kahit maubusan ng tinta!
Napakarami alam ko yan
Ng mga papel ko na blangko lang
Yan ay pupunuin walang ititira
Lahat bubuuin at ipipinta
Kulang pa rin ang karanasan
Kaya lalakbayin lahat ng daan
Lahat gagawin mas inibig na
Para wala na ring pagsisisi pa..
Napakarami alam ko yan
Ng mga papel ko na blangko lang
Yan ay pupunuin walang ititira!
Lahat bubuuin at ipipinta!
Kulang pa rin ang karanasan
Kaya lalakbayin lahat ng daan
Lahat gagawin mas inibig na
Para wala na ring pagsisisi pa!
Tuloy lang ang paglikha!