Palaboy sa ilalim ng tulay
Latang-lata na parang gulay
Batang akay-akay ng inay
Naka lahad ang mga kamay
Di maka-usod sa buhay
Di makakita ng karamay
Di makaranas ng ginhawa
Dinadaan na lang sa tawa
Pinuno na naka-upo
Meron bang pagbabago
Mga pangalan lang ang napalitan
Pero hindi ang kinabukasan
Lumulubog pa rin sa utang
Saan ba talaga ako nag-kulang
Sabihin mo sa kin kaibigan
Mayron ka bang nababanaag sa dilim
Mayron ka bang nababanaag sa dilim
Walang Makita, walang Makita,
Walang Makita, Tayo ba'y bulag na?
Di maka kilos, naka kadena
Bukas pag mulat ganito pa rin kaya?
Sige na ate, sige na kuya
Wag mag patumpik tumpik pa
At kung ayaw nyo naman
Gagawa ako ng paraan
Tambay na nag-iingay
Wala nang magawa sa buhay
Asawang nakipag-hiwalay
Parang payaso kung mag-kulay
Lubog pa rin ako sa utang
Sino ba sa amin ang nag-kulang
Sabihin mo sa kin kaibigan
Mayron ka bang nababanaag sa dilim
Mayron ka bang nababanaag sa dilim
Walang Makita, walang Makita,
Walang Makita, Tayo ba'y bulag na?
Di maka kilos, naka kadena
Bukas pag mulat ganito pa rin kaya?
Sige na ate, sige na kuya
Wag mag patumpik tumpik pa
At kung ayaw nyo naman
Gagawa ako ng paraan