Hoy! Oo Ikaw
Wala ka nang ibang ginawa
Kung 'di paibigin ako sa wala
Oo Wala
Kahit wala namang mapapala
Lalo lamang Lumalala
Ang pagkahumaling sa 'yong mga ngiti
At ang pagkagustong mahalikan ang iyong labi
Paano ba mapipigil ang puso kong itong
Isigaw na sana tayo na rin
Pansinin mo naman ako
Intindihin ang sinasabi ng puso
Damdamin oh dibdibin
Mga salitang aking binibigkas
Sana'y maipamalas na
Hoy! Oo ikaw
Wala ka bang ibang gagawin
Sa aking pag tingin para sayo?
Oo sayo
Hindi naman ako nalilito
Pero heto parin ako
Na nahuhumaling sa 'yong mga ngiti
At nagkakagustong mahalikan ang 'yong labi
Paano ba mapipigil ang puso kong itong
Isigaw na sana tayo na rin
Pansinin mo naman ako
Intindihin ang sinasabi ng puso
Damdamin oh dibdibin
Mga salitang aking binibigkas
Sana'y maipamalas na
Hanggang kailan kaya hindi mapapansin?
Gusto ko lang naman
Sabihin na
Gusto kita