Isang malamig na gabi na naman
Kausap ang kalangitan at buwan
O kay ganda ng mga bituin
Ngunit katulad nila, di ka mapapasakin
Pero ayos lang, basta para sa'yo
Ayos lang, basta para sa inyo
Ika'y aking bituin sa langit ng iba
Mas kampante na't nandiyan ka sa kanya
Alam naman nating dalawa
Di tayo para sa isa't isa
Patuloy na iniisip kung paano
Kung saan, bat bigla nalang naglaho
Magsisimula na bang tanggapin
Hindi maaari ang aking hiling
Pero ayos lang basta para sa'yo
Ayos lang basta para sa inyo
Ika'y aking bituin sa langit ng iba
Mas kampante na't nandiyan ka sa kanya
Alam naman nating dalawa
Di tayo para sa isa' isa
Baka hindi talaga pagibig
Baka dalawang masayang tao lang na pinagtagpo
Baka hindi talaga pagibig
Baka naging masaya lang talaga't tuluyang nahulog sayo
Ika'y aking bituin sa langit ng iba
Sa panahong pwede na
Pwede pa kaya