Tandang-tanda ko pa yung araw na nangako ka sa akin
Na sa iyong pag balik ay babalik ka rin sa akin
Ngunit parang tinangay na 'to ng hangin
Palayo sa 'yo
Ang puso, lumamig na 'to
Kakaintay ko sa 'yo
Habang lumalamig ang puso ko sa kakaabang
Yung puso mo ay umiinit na para sa iba
Medyo masakit isipin na nag-babago ka na
Pero walang magagawa kasi malayo ka na
Gusto sana kitang balikan kaso ayaw mo na
Nakatingin ka sa akin habang kayakap mo siya
Tinitiis ko ang sakit hanggang ako ay mamanhid
Dahil mas mabuti iyon kesa sarili ko'y ipilit
Mga pangako na napako
Kaya pa bang itayo?
Mga kilig at pag paasa
Parang gaguhan na 'to
Umasa sa wala
Meron ka ng iba
Sana ika'y masaya
Kahit ang hirap na
Mga pangako na napako
Kaya pa bang itayo?
Mga kilig at pag paasa
Parang gaguhan na 'to
Umasa sa wala
Meron ka ng iba
Sana ika'y masaya
Kahit ang hirap na
Hindi ako panakip butas o panandaliang lunas
Ang gusto ko yung matagalan at yung tunay mag-mahalan
Ayaw ko na ng laro-laro
Gusto ko lang yung totoo
Kasi pagod na ko sa 'yo
Pagod sa panloloko mo
Para kang malaking isda, isa kang malaking tinik
Kapag ako'y nakalayo, hinihila mo pabalik
Kapag 'di siya nakatingin, humihingi ka ng halik
Kapag magkaaway kayo bigla ka sa 'kin babalik
Sawa na sa 'yo at sa mga pangako mo
Naaalala mo lang 'to pag magkaaway kayo
Minamahal mo lang ako pag 'di ka niya pinapansin
Biglang pag kayo'y nag-bati ako'y iiwan na ulit
Mga pangako na napako
Kaya pa bang itayo?
Mga kilig at pag paasa
Parang gaguhan na 'to
Umasa sa wala
Meron ka ng iba
Sana ika'y masaya
Kahit ang hirap na
Mga pangako na napako
Kaya pa bang itayo?
Mga kilig at pag paasa
Parang gaguhan na 'to
Umasa sa wala
Meron ka ng iba
Sana ika'y masaya
Kahit ang hirap na