Di mo naman ako kailangan
Di mo naman sinasadya
Klaro namang ika'y napilitan
Sa nagmakaawa kong mata
Hindi rin naman kita pinilit
Hindi rin naman kita hinayaang lumayo
Ngunit sa huli ika'y tumatakbo - palayo
At sa huli ika'y nagtataka; bat pa ko nabigyan ng pagkakataon?
Dahil sa huli ikaw ay nauntog, sabay layo
Hanggang sa huli
Dahil sa huli
Ako'y tinapon
Wala ka namang pinagbasihan
Wala ka namang mapapala
Klaro namang wala 'kong laban
Lubos ka lang nabigla nang tuluyan akong lumuha
Wala rin naman saking problema
Wala rin naman na higit pang mawawala
Ngunit sa huli ika'y tumatakbo - palayo
At sa huli ika'y nagtataka; bat pa ko nabigyan ng pagkakataon?
Dahil sa huli ikaw ay nauntog, sabay layo
Hanggang sa huli
Dahil sa huli
Ako'y tinapon
Kung may pagagawa ka muna
Para sa akin
Ay pwede kang lumapit
Nang sa huli
Paalam ay makamit
Ngunit sa huli ika'y tumatakbo - palayo
At sa huli ika'y nagtataka; bat pa ko nabigyan ng pagkakataon?
Dahil sa huli ikaw ay nauntog, sabay layo
Hanggang sa huli
Dahil sa huli
Ako'y tinapon