Di matatapos ang lakwatsang
Sinimulan nung unang mabuo
Ang aking mga pangako
Sa sarili ko
Na walang makakagulo
Sa isip kong punong-puno
Ng imahinasyon at pagkukundisyon
Dulot ng tinawid na kahapon
Sugod lang ng sugod lang ng
Sugod lang ng sugod lang ng
Sugod lang ng sugod lang ng
Sugod lang ng sugod sa
Mainit na dampi ng araw
Ngunit di nito maaagaw
Ang ligayang hatid
Sa atin ng umagang umaaapaw
Kahit pagdating ng araw
At kulay sa mundo'y kumupas
Walang makaka/pigil sa ngiti
Walang hintong gumagala
Di na bale kung minsa'y nadarapa
Hindi kwestiyon kung kaya pa ba o tama na.
Walang pagbabago
Sa abang at reklamo
Walang magiging hadlang
Kung pipiliing tumungo sa
Mainit ang dampi ng araw
Ngunit di nito maaagaw
Ang ligayang hatid
Satin ng umagang umaaapaw
Kahit pagdating ng araw
Kung kulay sa mundo'y kumupas
Walang makakapigil
Sugod lang ng sugod lang ng
Sugod lang ng sugod lang ng
Sugod lang ng sugod lang ng
Sugod lang ng sugod sa
Mainit ang dampi ng araw
Ngunit di nito maaagaw
Ang ligayang hatid
Satin ng umagang umaaapaw
Kahit pagdating ng araw
Kung kulay sa mundo'y kumupas
Walang makakapigil