Sa lilim ng tirik na araw
Nakahimlay, bitak na lupa
Pag-asa ng magsasaka
Unti unting nawawala
Taimtim na nagdarasal
Sana'y mahabag at umulan na
Walang humpay na hagupit
Ng tagtuyot, sadyang napakalupit
Bitak-bitak, tigang na lupa
Nagsusumamo, matapos na
Ng sa gayon ay umusbong
Puno ng buhay at pag-asa
Dating makulay na bukirin
Wala ng buhay, alikabok na
Dumaraing, tanging hiling
Itong delubyo ay matapos na
Matapos na, matapos na!
Matapos na Matapos na
Ulan, ulan di mapipigilan
Biyaya sa atin ng kalikasan
Kapag inabuso ng katawhan
Ulan, ulan, wawasakin ang lahat ng bayan
At dumilim ang kalangitan
Nagkubli sa kaulapan
Nagbabadyang uulan
Paghihirap ay maiibsan
Ang lahat ay lumabas, inaabangan
Ang pagbuhos ng unang ulan
Tara na't sumayaw, paa ay iindak
Salubungin natin ang unang patak
Ng ulan
Ulan, ulan di mapipigilan
Biyaya sa atin ng kalikasan
Kapag inabuso ng katawhan
Ulan, ulan, wawasakin ang lahat ng bayan
Ilang araw na ang nagdaan
Walang humpay ang pag- ulan
Bumabaha ng pangamba
Mauuwi yata sa wala
Bukid namin ay nalubog
Tanging yaman, naanod sa ilog
Ang tag-ulan na hinintay
Syang dahilan, marami ang namatay
Marami ang
Namatay
Ulan, ulan di mapipigilan
Biyaya sa atin ng kalikasan
Kapag inabuso ng katawhan
Ulan ulan kailanman, di na matitikman
Gutom ang tiyan, walang tahanan,
Maalinsangan, mabahong lansangan
Kalbong kagubatan, bunga ng walang ulan!
Ulan, ulan di mapipigilan
Yakapin ng mahigpit ang unan
Bumabagabag sa kalooban
Panandaliang kalimutan
Ulan, di mapipigilan
Biyaya sa atin ng kalikasan
Kapag inabuso ng katawhan
Ulan, ulan, wawasakin ang lahat ng bayan
Ulan, di mapipigilan
Biyaya sa atin ng kalikasan
Kapag inabuso ng katawhan
Ulan ulan
Ulan ulan
Tara na
Baka umulan