Ang minsan nating pagkikita
Muli't muling naaalala
Mga ngiti mo na tumutunaw sa puso ko
Ba't ganito ang aking nadarama
Tinangka kong ika'y hanapin
Upang muli ay kausapin
At nang masabi ang damdamin ko para sa'yo
Ngunit hanggang ngayo'y bigo ako
Ay naku puso'y nalilito
Minsan ka lang nakita ay
Umibig na sa 'yo
Ay naku kung naririnig mo
Problemang puso ko'y tulungan mo
Nagulat minsan ang puso ko
Dahil yakap mo at hinahagkan ako
Hinagkan din kita niyakap ng buong higpit
Ngunit ito pala'y panaganip
Ay naku puso'y nalilito
Minsan ka lang nakita ay
Umibig na sa 'yo
Ay naku kung naririnig mo
Problemang puso ko'y tulungan mo
Ay naku puso'y nalilito
Minsan ka lang nakita ay
Umibig na sa 'yo
Ay naku kung naririnig mo
Problemang puso ko'y tulungan mo
Ay naku puso'y nalilito
Minsan ka lang nakita ay
Umibig na sa 'yo
Ay naku kung naririnig mo
Problemang puso ko'y tulungan mo