Hiram na sandali na lamang ba palagi
Dahil hindi naman kita pagmamay-ari
Sa imahinasyon ang diwa ay sayo
Lulong
Patago kang pinagmamasdan
Laging patakas lang
Nasasabik akong ikaw ay mahawakan
Basta makasulyap lang
Sakin ay sapat yan
Ang kaso malabo, ikaw ay parang
Pantasya ng nakakarami
Sa imahe mo'y nakikihati
Labis ako na nabibighani
Lalo sa pisngi't mapula mong labi
Maguubos ng salapi kung pwede ka lang mabili
Kaso pano mo ako mapapansin
Sa iba ikaw ba'y patas din
Naglalambing
Ako'y isa sa mga tagahanga mo
Hiram na sandali na lamang ba palagi
Dahil hindi naman kita pagmamay-ari
Sa imahinasyon ang diwa ay sayo
Lulong
Hiram na sandali na lamang ba palagi
Dahil hindi naman kita pagmamay-ari
Sa imahinasyon ang diwa ay sayo
Lulong
Lagi mong pinupusuan ang mga litrato
Sa 'king mga bago ay nakaabang ka lang kahit na pribado
Laging nahuhuli ang iyong mga mata
Nakatingin may ningning at gandang ganda
Dito'y nanakam di mo lang alam sinusubaybayan din kita
Tipong makamtam iyong paraan, sinusugalan lang din hiya
Bakit sakin maguubos ng salapi
Di mo na kailangan mabili
Kaso pano mo ito mapapansin
Sa iba dapat nga'y patas din
Naglalambing
Ika'y isa sa mga tagahanga ko
Hiram na sandali na lamang ba palagi
Dahil hindi naman kita pagmamay-ari
Sa imahinasyon ang diwa ay sayo
Lulong
Kaso pano mo ako mapapansin
Sa iba ikaw ba'y patas din
Naglalambing
Ikay isa sa mga tagahanga ko
Hiram na sandali na lamang ba palagi
Dahil hindi naman kita pagmamay-ari
Sa imahinasyon ang diwa ay sayo
Lulong
Hiram na sandali na lamang ba palagi
Dahil hindi naman kita pagmamay-ari
Sa imahinasyon ang diwa ay sayo
Lulong