Aking naalala pa
Nang tayo ay unang magkita
Buhat noo'y inibig ka
At sa'yo ang buhay ko'y inalay na
Bakit ngayo'y wala ka na
Bakit ngayo'y nag-iisa
Di ba't noo'y sinabi pa
Na pagmamahalan ay habambuhay na
Sana magbuhat pa ng una
Ay nalaman ko't nakita
Na damdaming di magtatagal
Hindi sana nahihirapan
Kung hindi ka natutunan
Na dulutan ng pagmamahal
Di mo ba alam na ako'y nasasaktan
Bakit ngayo'y wala ka na
Bakit ngayo'y nag-iisa
Di ba't noo'y sinabi pa
Na pagmamahalan ay habambuhay na
Sana magbuhat pa ng una
Ay nalaman ko't nakita
Na damdaming di magtatagal
Hindi sana nahihirapan
Kung hindi ka natutunan
Na dulutan ng pagmamahal
Di mo ba alam na ako'y nasasaktan
Sana magbuhat pa ng una
Ay nalaman ko't nakita
Na damdaming di magtatagal
Hindi sana nahihirapan
Kung hindi ka natutunan
Na dulutan ng pagmamahal
Di mo ba alam na ako'y nasasaktan
Di mo ba alam na ako'y nasasaktan