Tinangay na nga ng hangin
Mga alaala natin
Bigla na lamang nawala
Ngayon ako'y nangangapa
Dati ay ako palagi
Ngayon ay di ko na mawari
Bigla na lang nagbago ka
Pinagmukha akong tanga
Sana'y di ka na nakilala
Di na rin sana ako umasa
Mahalin mo'y di na malabo
Iba ang sigaw ng iyong puso
Isang gabi di tumanggi
Tumambay sa isang tabi
Baka sakaling andun ka
Umasang makikita ka
Ngunit wala badtrip naman
Lagi na lamang bang ganyan
Lagi na lang suntok sa buwan
Kahit na pagsigawan ko itong damdamin ko sa 'yo
Wala namang magbabago
Tama ngang tanggapin na lang ako sayo ay hangin lang
Laging ganun yung sistema
Paulit-ulit ang tema
Sana'y di ka na nakilala
Hindi na rin sana ako umasa
Mahalin mo'y tila malabo
Iba ang sigaw ng iyong puso
Sana'y di ka na nakilala
Di na rin sana nasaktan
Di na rin sana naranasan pang umasa at mabalewala
Tinangay na nga ng hangin
Mga alaala natin