Pag mulat ng mata
Agad kang hinahanap
Sa iisang silid hindi ka mahagilap
Kasama ka lang kanikanina
Bakit pag gising ay wala ka na..
Pinipilit namuling makatulog
Baka sakali na ika'y muling bumalik
At kung sakali na ika'y muling makita
Sa panaginip
Sana hindi na magising..
Sana totoo na lng ang lahat
Sa panaginip
Para hindi na ako nangungulila
Sa bawat araw araw na lumipas
Na hindi kita kasama
Kung hindi lang imposible
Na mula sa panaginip ika'y aking bibitbitin
Palabas sa tunay na muna
At sa aking pag gising ikaw ang kapiling kung posible lang naman...
(Kung posible lang naman)
Sa pag sapit ng gabi muli ka rin sasapit
Sa pag tulog at sa panaginip
Ika'y muling makapiling
At sa pag lipas ng gabi ang umaga ay sasapit kasabay ng iyong paglisan
Sa aking pag gising
Sa aking pag gising...
[Thanks to ellajahriel1702 for adding these lyrics]