Natapos na ang araw
Nagbago na ang gabi
Umusbong na ang ligayang
Dinilig ng hiling
Walang alinlangan
Wala nang alinlangan
Dahil ngayong gabi, ikaw at ako'y magkatabi
I-aalay ang tala, ako ang bahala
Ipikit ang 'yong mga mata
Ikaw lang ang tanging nais na makita
Kaya't wag ka nang mangamba
Matulog ka't managinip na sinta
Hindi inaasahang
Hindi na luluha muli
Bigla naging tama lahat nang
Pagkakamali
Walang alinlangan
Wala nang alinlangan
Dahil ngayong gabi, ikaw at ako'y magkatabi
I-aalay ang tala, ako ang bahala
Ipikit ang 'yong mga mata
Ikaw lang ang tanging nais na makita
Kaya't wag ka nang mangamba
Matulog ka't managinip na sinta
Walang alinlangan
Wala nang alinlangan
Dahil ngayong gabi, ikaw at ako'y magkatabi.
I-aalay ang tala, ako ang bahala.
Ipikit ang 'yong mga mata
Ikaw lang ang tanging nais na makita
Kaya't wag ka nang mangamba
Matulog ka't managinip na sinta
Dahil ngayong gabi, ikaw at ako'y magkatabi.
I-aalay ang tala, ako ang bahala.
Ipikit ang 'yong mga mata
Ikaw lang ang tanging nais na makita
Kaya't wag ka nang mangamba
Matulog ka't managinip na sinta