May langit, may lupa
Bakit ba may mga mababa?
May mahirap may mayaman
Iba't-iba ang kasiyahan
Di ba pwedeng pantay lang?
Para walang nasasaktan
May dilim, may liwanag
Katahimikang basag-basag
May tanong na nais ko malaman ang kasagutan
Mga bagay na pagmulat mo'y nandiyan na
Bakit sila ganyan?
May swerte, may malas
Kelan ba tayo be-bwenas?
May sobra may kulang
Ang iba nama'y wala lang
Di ba pwedeng patas lang?
Para walang kinikilingan
May dilim, may liwanag
Katahimikang basag-basag
May tanong na nais ko malaman ang kasagutan
Mga bagay na pagmulat mo'y nandiyan na
Bakit sila ganyan?
Hindi sa nagtatanga-tangahan
Alam natin lahat ay may dahilan
Gusto ko lang naman makarinig ng
Ibat-ibang kasagutan
May tanong na nais ko malaman ang kasagutan
Mga bagay na pagmulat mo'y nandiyan na
Bakit sila ganyan?
May tanong na nais ko malaman ang kasagutan
Mga bagay na pagmulat mo'y nandiyan na
Bakit sila ganyan?