Sa bawat umaga, ako'y nagising,
Sa pag-asa'y muling nananabik,
Ngunit alam kong hindi mo ako maaring piliin,
Kahit damdamin ko'y naghihintay pa rin
Sa iyong mga mata, may pag-ibig na totoo,
Ngunit ang ating landas ay hindi maitono,
Kahit nasasaktan, kailangan kong bitawan,
Ang pag-ibig na ikaw ang dahilan.
Paalam sa'yo, sa pag-ibig nawala,
Pag-ibig na tanging sa'yo lang nagmumula,
Ang pusong ito'y maghihintay, ngunit maglalakbay,
Sa iyong pag-alis, sa'yo'y makakalaya.
Bawat alaala tila mabigat,
Ang pag-ibig mo'y iniwan sa likod,
Di ko alam kung saan ako pupunta,
Ngunit kailangan kong magpatuloy, kahit paano.
Sa iyong mga mata, may pag-ibig na totoo,
Ngunit ang ating landas ay hindi magtagpo
Kahit nasasaktan, kailangan kong bitawan,
Ang pag-ibig na ikaw ang dahilan.
Paalam sa'yo, sa pag-ibig nawala,
Pag-ibig na tanging sa'yo lang nagmumula,
Ang pusong ito'y maghihintay, ngunit maglalakbay,
Sa iyong pag-alis, sa'yo'y makakawala.
Sa bawat hakbang, dahan-dahan,
Lalapit sa bagong umaga,
Ang sakit ay magiging alaala,
Sa aking paglalakbay ay dala dala.
Paalam sa'yo, sa pag-ibig na wala,
Pag-ibig na tanging sa'yo lang nagmumula,
Ang pusong ito'y maghihintay, ngunit maglalakbay,
Sa iyong pag-alis, sa'yo'y makakapahinga..