Batid kong ito'y mahirap
Lihim kitang pinapangarap
Mga ngiting nakakahumaling
Mga matang nagniningning
Hanggang tingin na lang ako
Nag aabang ng sulyap mo
Tuwa't saya ang nadarama (ng puso ko)
Pag napapansin mo ako sinta
Tanging hiling ko lang sa'yo
Hayaan mong mahalin kita
Alam kong hindi ito tama
Dahil may mahal ka nang iba
Di naman hinahangad
Na iwanan mo siya sana
Sapat na ang Makita kong
Masaya ka sa kanya
Darating din ang panahon
Makakalimutan din kita
Sa ngayong ang alam ko lang
Minamahal pa rin kita