Isang araw noong ako'y iyong tinawag
Tila mayroong kang sasabihin sakin
Mukhang seryoso at sabi mo sekreto
Bigla akong napaisip
Hindi ako tsismoso
Noong una'ng ayaw mo pang sabihin
Kelangan mangakong huwag sasabihin sa iba
Talagang seryoso at sobrang sekreto
Dalian mo na ano ba yan?
May gagawin pa ako
Pabulung mong sinabi lahat (sa akin/ng gusto)
Paulit-ulit mong sinabi'ng (Huwag maingay/Bilisan mo)
Ako naman tumahimik at napatitig
Sayo Habang (dumadabog ang puso ko sa sobrang saya
Nag-iisip kung saang lupalot ko hahanapin)
Tatay na naman ako!
Salamat sa Diyos nabiyayaan kami
Nang isa pang anak
Sobrang - sobrang saya
Nadagdagan na naman kami
Nang isa pang kapamilya
Simula ngayon ingatan ang sarili
At huwag masyadong magpagod at magpagutom
Huwag magalit pag hindi
Mabigay agad ang gusto mong kainin
Cool ka lang, ibibigay ko sayo yan
Mukhang kailangan kong mag-practis na naman
Kasi parang bumalik tayo sa umpisa
Lahat kami ay excited na naman
Ang saya-saya kasi pag maraming tayong anak!