Maraming araw na ang lumipas
Hanggang ngayon walang nangyare
Lahat nang aking paghihirap
Parang wala kang masasabi
Ilang oras na ang nasayang
Sa mga tyempohang saglitan
Wala na ba tayong pag-asang
Na tayo ay magkabalikan
Balikan natin ang mga magagandang
Samahang halos abot langit ang kasayahan
(Masaya/Maayos) tayo (sa'ting pagsasamahan
Noong wala pang gulo/Dati tayo noon)
Sana (mapatawad mo ako/mapagbigyan mo ko)
Muling pagbuksan ang iyong puso
Sayang ang lahat ng sandaling
Kapiling ka pa sa aking tabi
Nanghihinayang na sana'y maibalik
Ang matatamis na halik at yakap mong mahigpit
Huwag mo sanang baliwalain
Hangad ko lamang maayos natin
Masakit man sa aking damdamin
Na wala na tayong mararating