Pagkatapos kong mag-aral sa colegio
Naghanap agad ako ng mapasukang trabaho
Upang makatulong sa aking mga magulang
Na sila ang nagsakripisyo
Upang ako'y makatapos
Magsusumikap upang makamit
Mga pangarap nais marating
(Kahit mahirap/Konting tyaga) kayang tiisin
Balang araw ako ay makakabawi din
Sa pagtyatyaga na abot hanggang langit
Mahahabang pasyensya kung minsa'y pasaway din
Walang humpay sa pag-alaga
At pagtuturo ng tama
Salamat sa iyong pagmamahal
Ngayong meron na akong sariling pamilya'ng
Sinusuportahan at itinataguyod ang maayos na buhay
Katulad din ng pagpapalaki no sa akin
Na kayo ang nagturo na maging mabuting tao
Ang buhay natin ay umiikot lamang
Ang tinanim mong bunga sya rin'g aanihin
Huwag talikuran ang ating pinanggalingan
Mahalin natin at alagaan
Ang ating mga magulang