Lahat tayo ay may kanya-kanyang pangarap
Magsumikap at magtyaga upang matupad ito
Kahit anong balakid basta't pursigido ka
At magtitiwala sa sariling kakayahan
Basta't tuloy mo lang ang tama mong Gawain
Nandito kami upang suportahan ka namin
Nabigo ka man minsan, pero bumangon ka't
Pinakita mo at pinatunayan mo
Na Kayang-kaya mong gawin
Hindi naming masamang mangarap
Huwag mo laging kakalimutan na tumawag sa kanya
At huwag mo na kaming alalahanin
Makita na maayos ka, maayos rin kami
Ang sabi ng matatanda ang hindi
Marunon lumingon sa pinanggalingan
Ay hindi mararating ang paroroonan
Lahat ng kasabihang ito ay kathang-isip lamang
Pero wala namang sigurong mawawala
Ngayon Masaya ka na
Natupad lahat ang pangarap
Sabi ko sayo kaya mo 'to
Nasunod lahat ang payo (ko)