Sa pagsapit ng gabi
Ako'y di mapakali
Hinihila bawat oras
Nang maulit pang muli
Sa paglaho ng liwanag
Sa pagpikit ng mga mata
Naghihintay sayo, sinta
Ako'y dalawin mo sana
Nasasabik na Makita ka
Mahagkan at mayakap ka
Panaginip ko sa tuwina
Tayo'y laging magkasama
Sa pagsapit ng gabi
Ako ay napapangiti
Umaasa na sa tuwina
Masilayan kang muli
Sa Panaginip na lang kita nakakapiling
Pagmamahalan sa isa't-isa
Nadarama ko parin ang
Tibok ng puso mo