Ang buhay ng tao ay sadyang mapaglaro
Sinusubukan kung hanggang saan tayo
Hindi naman tayo yung tipong sumusuko
Hindi rin naman tayo agad nagpapatalo
Mga suliranin dumadating sa ating buhay
Mga problemang di mo aakalain (ooh)
Ang hirap nga kung tutuusin
Pero kailangan natin itong harapin
Sa bawat sandali ng buhay nating ito
Pag-ibig at puso ang papairalin natin
Huwag na nating kalimutang manalangin
Siya lang ang sasagot sa ating mga hiling
Pagsubok lang lamang lahat ito
Nararanasan ng bawat tao
Iisipin mong a laging kaya mo to
Pagdarasal lamang at matatag dapat tayo