Ilang taon ka na
At parang wala ka pang
Kamuang-muang sa mundo
Kaya pala ang kulit mo pa
At minsan iyakin pa pag hindi makuha ang
Lahat ng bagay gusto mong hawakan
Lahat ng bagay gustong angkinin
At titikman mo ang lahat
At susubukan mong gawin
Hoy pare alam mo na ba ang tama o mali
Ganyan ba talaga ang taong makikitid
Walang ibang iniisip kundi ang pangsarili
Nangingimkim minsan nang galit 'to
Wala na sanang personalan 'to
Mahirap talaga ang taong
Nasa loob ang kulo
At pagkausap ka
Ang hangin talaga sa paligid
Gusto bida ka
Pero di ka naman artista sa takilya