Minsa'y sinubok ng tadhana
Pag-ibig natin sa isa't-isa
Batid kong wala ng bukas
Para sa ating dalawa
Tanong ko sa aking sarili
Saan ako nagkamali?
Pinipilit kong unawain
Kahit masakit man sa puso
Pinipilit kong unawain
Masakit man sa damdamin
(Ako'y) maghihintay sa iyong pagbabalik
Dalangin ko sa Diyos na makapiling ka muli
Sana'y pakinggan mo sigaw ng puso ko
Pagka't mahal kita, Oh... (Giliw ko)
Mapagbiro man' ang tadhana
Hindi ako magsasawa
Umaasa parin ako lagi
Na tayo pa 'ring dalawa
Ako'y maghihintay
Maghihintay sayo