Ang dami mong satsat
Wala na mang kakwenta-kwenta
Ang mga pinagsasabi mo
Puro yabang lang at pang-lalait
Wala ka na bang ibang maisip na
Gawin sa buhay mo?
Tignan mo muna ang iyong sarili
(Bago ka masopla
Para di ka masopla)
Kulang sa pansin ang taong
Makapal ang mukha
Sana matututo kang rumispeto
Kulang sa pansin ang taong
Nasosobrahan sa salita
Kulang naman sa gawa
Pag nakatyempo ka na
Sa mga taong nililinang mo
At unti-unti mong gagatasan
Hangga't hindi nya mapapansin
Ang kilos mo
Oportunista ka nga sa lahat
Nang taong napapakinabangan mo
Itigil mo na ang kalokohan
At bago ka pa makarma
Kulang sa pansin ang
Taong nasosobrahan
Sa salita kulang naman sa gawa