Kaibigan, bakit mo ako iniwan?
Sa gitna ng kalungkutan
Ang sakit-sakit maiwan
Parang panaginip lamang
Ang mga nangyayari
Masasayang mga araw
At matatamis na ngiti
Unti-unting nagbabago
Unti-unting naglalaho
Ang dating samahan nating masaya
Bigla nalang itong nawala
Masakit mang isipin
Kailangan kong tanggapin
Kung ito'y makabubuti satin
Handa akong gawin
Salamat na lamang sa (mga) alaala
Ng pagkakaibigang masaya
Sadyang ganito ang buhay
Mayroong ligaya at mayroong lumbay