Itanong sa iyong sarili
Ikaw ba ay naging mabuti
Pagkat ang iyong ginagawa
Puro na lang pangungutya
Sa Kamalian ng iba
Lagi kang nakaabang
Agad kang manghuhusga
Nang walang pakundangan
O aking kaibigan
Sana ay di ka ganyan
Wala kang pinagkaiba
Sa mga hambog na nilalang
Huwag mong sasabihin
Na ikaw lang ang pinagpala ng Diyos
Lahat tayo pantay pantay
Sa mata ng maylikha
Dapat mong iisipin
Buhay ay hiram lang sa atin
Pagmamahal ang pairalin
Nang sumaya ang buhay natin