Maraming beses na tayong nagkita
Pero hindi ko lang maalala kung
Saan tayo nagkita?
Minsan pa ata nasalubong kita
Ngumiti ka pa nga sa akin
Kaya hindi kita makalimutan
Hanggang tingin na lang ba ako sayo?
Sa tuwinang makikita ka
Huwag ka sanang magalit sa akin
Pag ako nakalakas na ng loob na
(Lapitan Ka), kausapin ka, samahan ka
Habang tayo'y naglalakad
Kilalanin ka, kaibiganin ka
Liligawan ka, at ipakita na gusto kita
Isang araw noong muli kitang Makita
Nakasulubungan ang mga mata
Napayuko bigla tayong dalawa
Nakahiyaan (at) umiwas ang tingin
Lalo na akong na-torpe
Anong diskarte ang tamang gagawin?