Gulong-gulo ang isip
Di alam ang gagawin
Problemang di mabilang
Di na kayang harapin
Laban lang kaibigan
Sa hamon ng (panahon/buhay)
Huwag kang mawalan ng pag-asa sa buhay
Makakamtan mo rin ang (ating) tagumpay
Di ka na nag-iisa may nagmamahal sa'yo
Tibayan ang loob huwag kang susuko
Kung kaya ng iba ay kakayanin mo rin
Lahat tayo'y pinagpala yan ang laging isipin
Itanong mo sa 'yong sarili
Kung ikaw ba ay nagkamali
Subukan mo itong itama
Nang di ka magsisi