Huwag ka nang magtago
Huwag ka nang malulungkot
Huwag ka nang mag-alala
Tanggapin mo na kung saan ka masaya
Buksan mo na ang iyong aparador
Mga lumang damit nakatago pa
Ilabas mo na at iyong suutin
Sukatin mo kung pwede pa
Ang dating ikaw ay nakatago pa
Ang tunay na gusto tinitiis mo pa
Mahirap pigilin ang puso'ng
Pagbabalatkayo'ng pansin naman ng ibang tao
Totoo ba ang pinapakita mo
Mahirap ang magpigil pag di mo gusto
Humarap ka sa salamin
At sabihin mo hindi ako ito
Ipikit mo na ang iyong mga mata
Huminga ka ng malalim
Lumabas ka sa aparador
At ipakita mo ang iyong totoo
Kalimutan na ang nakaraan
Harapin mo na ang katotohanan
Buksan mo ulit ang 'yong aparador
At itago mo na habang-buhay
Ang iyong dating ikaw