Wala nang trapik sa kalye
Efficient ang bureaucracy
Bumaba na ang poverty
Restored na ang democracy
Ang buhay natin nag-improve
Dahil ang GATT ay na-approve
Ang buhay natin gumanda
Dahil ang EVAT napasa
Kung alam mo lang Violy
Kung alam mo lang Violy
Kung alam mo lang Violy ang totoo
Kung alam mo lang Violy
Kung alam mo lang Violy
Matagal ka na nilang niloloko
Dumadami ang may kotse
Dito sa university
Tumataas ang tuition fee
Bumababa ang quality
Forget na lang the land reform
Forget the debt moratorium
Forget na rin the behest loan
But don't forget the condom
Oy alam ko na Eddie
Oy alam ko na Eddie
Oy alam ko na Eddie ang totoo
Oy alam ko na Eddie
Oy alam ko na Eddie
Matagal mo na kaming niloloko
***
Tres mil na passport at ID
Tres mil sa visa't embassy
Tres mil na special placement fee
Singkwenta mil na pangkape
Kung alam mo lang Violy...
Si Violy ay inabuso
Ng malupit niyang amo
Si Violy ay nagkakaso
Pinagtanggol ng gobyerno
Natural, natalo
At napugutan ng ulo
Si Violy ay inilibing
Malaon nang nahihimbing
Si Violy ay huminlay na
Ngunit hinukayhukay pa
Kung alam mo lang Violy...
Gumaganda't umuusad
Daw ang ating economy
Dahil sa dami ng tulad
Na kwentong gaya kay Violy
Tuloy-tuloy ang pag-unlad
Ng ating movie industry
Kung alam mo lang Violy
Kung alam mo lang Violy
Kung alam mo lang Violy ang totoo
Kung alam mo lang Violy
Kung alam mo lang VIoly
Kayrami na nilang kinita sa iyo