Pwede ko bang malaman
Ang nasa isip mo
Anong gumugulo sa'yo
Kasi parang paminsan-minsan
Nasisilayan ko ika'y nalulungkot
Nasisilip ko sa iyong mga mata
Ang mga 'di mo maaming pangangamba
Pwede bang
Lumapit ka sa'kin
Ika'y yayakapin ko hayaan mo
At ang mga suliraning
Hindi mo masabi noon
Alam ko na yun at nandito pa naman ako 'di ba
Iniibig ka iniibig ka
Yung akala mong biglang mawawala
Nandito pa
Iniibig ka pa rin pala
Sinong mag-aakalang kaya ko palang
Magmahal ng totohanan
Nakakatakot pala
Akala ko ako 'yung unang bibitaw na lang
'Pag parang pwede nang masaktan
Pero bakit parang ang dali-dali
Manatili lagi sa iyong tabi
Sana laging pwede
Lumapit ka sa'kin
Ika'y yayakapin ko hayaan mo
At ang mga suliraning hindi mo masabi noon
Alam ko na yun at nandito pa naman ako 'di ba
Iniibig ka iniibig ka
Yung akala mong biglang mawawala
Nandito pa
Iniibig ka pa rin pala
Kahit minsa'y parang ang sakit-sakit
Ay hindi ko bibitawan ang yakap mong humihigpit
Lumapit ka sa'kin
Ika'y yayakapin ko hayaan mo
At ang mga suliraning hindi mo masabi noon
Alam ko na yun at nandito pa naman ako 'di ba
Iniibig ka maniwala ka
Yung akala ko hindi ko rin magagawa
Nagawa ko na
Talagang iniibig na pala kita
Oh nandito pa
Talagang iniibig na pala kita
Oh nandito pa
Talagang iniibig na pala kita