ALAMAT NG ERMITANYO
Oo-oo-ooh Oo-oo-ooh
Lalala Undong Gide (Hey)
Lalala Unde (Hey, Hey)
Lalala Undong Gide (Hey)
Lalala Unde
Anak, di mapigil ang daloy ng luha sa 'king mga mata.
Di ka na maaaring ipasan pagka't ika'y may kabigatan at nakalalakad na.
Panahon na dapat lamang ay bumitaw ka.
Anak, tulad ng iba, mayroon kang sariling lakbayin.
Sa kaduluhan niyaring daan, ang matandang ermitayo'y dapat mong hanapin.
Siya'y tunguhin, lihim ng buhay iyong alamin.
Nang galing na ako sa iyong patutunguhan.
Kaya't kalatas ko'y iyong pakinggan. Ha-a-a-an (Hey)
Ang daan minsa'y makinis at minsan nama'y magaspang.
At minsan, ito'y namumulaklak, minsan puros tinik lamang.
Kapag daa'y nahahati sa gitna o di kaya'y walang laman,
Huwag mabahala't ang lahat ay may saysay sa kalaunan.
Tiyak, nasa ermitanyo ang kasagutan, nasa ermitanyo ang kasagutan.

Ermitanyo ay tunguhin, ermitanyo ay tunguhin,
Ermitanyo'y tunguhin, lihim ay alamin! (Hey)

Oooh
Lalala Undong Gide (Hey)
Lalala Unde (Hey, Hey)
Lalala Undong Gide (Hey)
Lalala Unde
Anak, huwag mabibigla sa iyong matatagpuan.
Ang daan na iyong nilalakaran ay paikot lamang at walang patutunguhan.
Muling balikan ang isip ng pagasa'y makamptan.
Anak, mga aral na napulot sa malawak na karanasan.
Ang siyang diwa ng iyong paglalakbay na walang katapusan mong pinagtitiisan.
Sa ilog, mukha'y hugasan at mata'y muling buksan.
Sa paghumpay ng alon, magugunita mo.
Ang mukha ng ermitanyo'y walang iba kung hindi...ang sarili mo! (Hey)
Ang daan minsa'y makinis at minsan nama'y magaspang.
At minsan, ito'y namumulaklak, minsan puros tinik lamang.
Kapag daa'y nahahati sa gitna o di kaya'y walang laman,
Huwag mabahala't ang lahat ay may saysay sa kalaunan.
Tiyak, nasa ermitanyo ang kasagutan, nasa ermitanyo ang kasagutan.
Tiyak, nasa ermitanyo ang kasagutan, nasa ermitanyo ang kasagutan.
Ermitanyo ay tunguhin, ermitanyo ay tunguhin,
Ermitanyo'y tunguhin, lihim ay alamin! (Hey)
Ermitanyo ay tunguhin, ermitanyo ay tunguhin,
Ermitanyo'y tunguhin, lihim ay alamin! (Hey)
Oooh
Lalala Undong Gide (Hey)
Lalala Unde (Hey, Hey)
Lalala Undong Gide (Hey)
Lalala Unde
Yan ang lihim ng buhay.
Ikaw ang pipili ng kulay.
Ipasa Diyos ang pag-gabay.
Ngunit ang aklat ng buhay ay nasa 'yong kamay!
Ang daan minsa'y makinis at minsan nama'y magaspang.
At minsan, ito'y namumulaklak, minsan puros tinik lamang.
Kapag daa'y nahahati sa gitna o di kaya'y walang laman,
Huwag mabahala't ang lahat ay may saysay sa kalaunan.
Tiyak, nasa ermitanyo ang kasagutan, nasa ermitanyo ang kasagutan.
Tiyak, nasa ermitanyo ang kasagutan, nasa ermitanyo ang kasagutan.
Ermitanyo ay tunguhin, ermitanyo ay tunguhin,
Ermitanyo'y tunguhin, lihim ay alamin! (Hey)
Ermitanyo ay tunguhin, ermitanyo ay tunguhin,
Ermitanyo'y tunguhin, lihim ay alamin! (Hey)
Nasa ermitanyo ang kasagutan, nasa ermitanyo ang kasagutan.